Tropical Cyclone Warning for Agriculture

TROPICAL CYCLONE WARNING
TCWA NO. 3TROPICAL STORM “HELEN”

INILABAS 5:00 PM 18 SETYEMBRE 2024 MAY BISA HANGGANG 11:00 PM MAMAYA
SYNOPSIS

MALAPIT NANG LUMABAS ANG TROPICAL STORM HELEN SA PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY.

LOKASYON

Kaninang 4:00 PM, ito ay nasa 930 km silangan hilagang silangan ng dulong Hilagang Luzon

COORDINATES

24..6°N, 129.9°E

TAGLAY NA LAKAS NG HANGIN

85 km/h malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin 105 km/h

PAGKILOS

Pa-hilagang kanluran sa bilis na 40 km/h

TINATAYANG LUGAR NA DADAANAN NG BAGYO
LAT
(°N)
LONG
(°E)
LOKASYON LAKAS
(km/h)
KATEGORYA
BUKAS NG HAPON: 28.5 122.3 860 km hilaga ng dulong Hilagang Luzon (lABAS NG PAR) 75 TS

BABALA NG BAGYO
WALANG NAKATAAS NA BABALA NG BAGYO

MALAKAS NA PAG-ULAN
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Weather Advisory #33 para sa Habagat na pinalakas ng GENER at HELEN na inilabas ng PAGASA kaninang 5:00 PM.

MALAKAS NA HANGIN
Ang Habagat na pinalakas ng bagyong GENER at HELEN ay posibleng magdala ng pagbugso ng hangin sa mga sumusunod na mga lugar (lalo na sa mga lugar malapit sa dagat at matataas at mabubundok na lugar):

NGAYONG ARAW BUKAS BIYERNES
Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Rehiyon ng Bicol, Kabisayaan,
Zamboanga Peninsula, Hilagang Mindanao, Caraga, at Rehiyon ng Davao
Rehiyon ng Ilocos, Isabela, Aurora, Zambales, Bataan, Metro Manila, CALABARZON,
MIMAROPA, Rehiyon ng Bicol, Kanlurang Kabisayaan, Negros Island Region, at Zamboanga Peninsula
Batanes, Rehiyon ng Ilocos, Abra, Benguet, Aurora, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Quezon, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, at mga isla ng Kalayaan
PAALALA: Ang mga babala ng bagyo ay upang mabigyan ng babala ang lahat sa panganib na dulot ng hangin dahil sa bagyo. Ang mga lokal na hangin ay posibleng bahagyang mas malakas sa mga lugar malapit sa tabing-dagat o matataas at mabubundok na lugar. Mas mahina ang hangin sa mga lugar na hindi direktang tinatamaan nito.

MALAKAS NA PAG-ALON
Nakataas ang Gale Warning
(mula sa Gale Warning #9 na inilabas ngayong 5:00 PM)
Kanlurang baybayin ng Gitnang Luzon, Katimugang Luzon (Bataan [Morong, Bagac, Mariveles], Occidental Mindoro, Palawan, Zambales)
Walang Gale Warning ngunit may maalon na karagatan
  • 1.5 to 3.5 m: baybayin ng Batanes at Rehiyon ng Ilocos; silangang baybayin ng Palawan (kasama ang baybayin sa Isla ng Cuyo); at sa baybayin ng Antique
  • 1.0 to 3.0 m: hilaga at silangang baybayin ng Lambak ng Cagayan, natitirang sa kanlurang baybayin ng Kanlurang Kabisayaan at Negros Island Region; natitirang baybayin ng MIMAROPA
Walang Gale Warning ngunit may katamtamang pag-alon ng karagatan (hanggang 2.5 m) Silangang baybayin ng Rehiyon ng Bicol; katimugang baybayin ng Katimugang Quezon; sa baybayin sa Isla ng Cayancillo; hilaga at silangang baybayin ng Hilagang Samar; silangang baybayin ng Silangang Samar; baybayin ng Caraga; silangang baybayin ng Davao Oriental; baybayin ng Katimugang Leyte, katimugang baybayin ng Negros Island Region at Gitnang Kabisayaan; baybayin ng Zamboanga del Norte; baybayin ng Hilagang Mindanao.
PAALALA:
Maalon hanggang sa napakaalon: Mapanganib maglayag ang maliliit na sasakyang pandagat, kasama ang anumang uri ng mga bangkang de motor.

Katamtaman hanggang sa maalon hanggang sa napakaalon: Mapanganib maglayag ang maliliit na sasakyang pandagat, kasama ang anumang uri ng mga bangkang de motor. Pinapayuhan ang mga maglalayag na walang karanasan sa ganitong kondisyon o mga gumagamit ng mga sasakyan na may sira na huwag munang pumalaot.

Katamtamang pag-alon ng karagatan: Mapanganib maglayag ang maliliit na sasakyang pandagat at mga kasinlaki nito. Pinapayuhan ang mga maglalayag na na huwag munang pumalaot o umiwas muna sa mga lugar na ito.

PAGKILOS NG BAGYO
  • Inaasahang kikilos ang bagyong HELEN pa-hilagang kanluran sa buong panahon ng pagtataya at maaaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa susunod na tatlong oras. Sa buong panahon ng pagtataya, ang bagyong HELEN ay mananatiling malayo sa kalupaan ng Pilipinas at hindi direktang makakaapekto sa anumang bahagi ng bansa.
  • Ang bagyong HELEN ay inaasahang mananatiling Tropical Storm at maaaring unti-unting humina sa East China Sea.
AGRI-PANAHON

LUGAR NG PAGTAYA LAGAY NG PANAHON
PANG-AGRIKULTURA
HANGIN TEMPERATURA (0C) RH% PAGKABASA NG
DAHON
(ORAS)
Mababang
Bukirin
Mataas na
Bukirin
Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at hilagang bahagi ng Palawan Pag-ulan dulot ng Habagat Malakas mula timog-kanluran hanggang timog 23 – 31 21 – 29 70 – 100 > 12
Kanlurang Kabisayaan, natitirang bahagi ng Gitnang Luzon, at natitirang bahagi ng MIMAROPA Paminsan-minsang pag-ulan Kanlurang Kabisayaan, natitirang bahagi ng Gitnang Luzon, at natitirang bahagi ng MIMAROPA – Katamtaman hanggang sa malakas mula timog-kanluran;

Natitirang kanlurang bahagi ng Luzon – Malakas mula timog-kanluran hanggang timog
24 – 31 22 – 29 70 – 100 8 – 12
Metro Manila, natitirang bahagi ng Luzon, at natitirang bahagi ng MIMAROPA Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog Katamtaman hanggang sa malakas mula timog-kanluran 22 – 33 15 – 31 60 – 98 4 – 8
Natitirang bahagi ng bansa Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog Katamtaman hanggang sa malakas mula timog-kanluran 24 – 36 20 – 31 50 – 98 2 – 6

PAYONG PANGSAKAHAN SA MGA LUGAR NA HINDI APEKTADO NG BAGYO
  • Patuloy sa mga normal na gawain sa bukid.
  • Siguraduhing matibay at maayos ang imbakan o kamalig ng mga produkong binhi tulad ng palay at mais atbp produktong gulay o prutas upang hindi bumaba ang kalidad ng mga ito.
  • Ipagpatuloy pa rin ang paglilinis ng kapaligiran lalo na ang daluyan ng tubig para maiwasan ang mga pagbaha at pag-usos ng lupa.
  • Gumawa ng mga kanal para ipunan ng tubig o “small impounding reservoir” upang may magamit na tubig sakaling magkaroon ng kakulangan.
Patuloy na mag-antabay sa mga updates at pagbabago ukol sa sama ng panahon.

Ang mga public and disaster risk reduction and management office (PDRRMO) na maaaring maapektuhan ay pinapayuhan na gumawa ng mga kaukulang hakbang para maprotektahan ang buhay at mga ari-arian. Ang mga nakatira sa mga lugar na maaaring maapektuhan ay pinapayuhang sumunod sa mga tagubilin ng mga namumuno sa inyong lugar. Para sa heavy rainfall warnings, thunderstorm/rainfall advisories, at iba pang severe weather information na para sa inyong lugar, palaging magbantay sa mga produktong ilalabas ng inyong lokal PAGASA Regional Services Division.

Inihanda nina: MGA / RVDD
Binigyang pansin: MEVT